Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd pumalag na kulelat PH sa WB report

0 112

Umalma ang Department of Education (DepEd) sa inilabas na report ng World Bank (WB) kung saan nangulelat umano ang Pilipinas sa halos lahat ng proficiency level.

Sa isang sa radyo, inihayag ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na hindi isinama sa WB report ang mga ginagawa ng administrasyon upang mapaganda ang performance ng mga estudyanteng Pinoy.

Aniya, hindi man lang binigyan ng advance copy o pagkakataon ang DepEd na makita muna ang mga nakasaad sa report bago ito inilabas sa media.

“And there’s no acknowledgement in this study ‘yong ating mga reform initiatives na ginagawa na sa Department of Education na may direct knowledge naman sila,” pahayag ni Malaluan.

Base sa report, 80% ng mga mag-aaral sa bansa ang mababa ang proficiency level para sa kanilang antas sa pag-aaral.

Sa 79 na bansa na nakilahok sa Program for International Student Assessment, kulelat ang Pilipinas sa pagbasa at pangalawa sa huli sa science at mathematics.

Gayunpaman, tinatanggap ng DepEd na isa itong malaking hamon para mapaganda pa ang sektor ng edukasyon sa bansa. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.