Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd: Puwede mag-enroll hanggang November

0 107

Pinayagan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga estudyanteng hindi pa nakakapag-enroll sa mga pampublikong paaralan na maaari pang humabol hanggang Nobyembre kahit magsimula na ang klase sa Oktubre 5 basta makapasok ito sa 80 porsiyento ng required na school days.

“Puwede naman silang humabol kasi mayroon tayong policy of late enrollment, which we allow for as long as maka-attend ang bata ng 80 percent of the equivalent of class days. Ginagawa na ‘yon before COVID pa,” paliwanag ni Briones sa virtual press briefing nitong Miyerkoles.

Batay sa datos ng DepEd, umabot na sa 24.3 milyon ang bilang ng mga nakapag-enroll na estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan, at sa Alternative Learning System.

Sa naturang bilang ay 87.82% umano ng kabuuang bilang ng mga enrolled student noong 2019. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.