Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd rerepasuhin ng Senado sa balik eskuwela

0 397

Binigyan ng Senado hanggang July 15 ang Department of Education (DepEd) para ipakita ang kahandaan nito sa balik eskuwela pagdating ng Agosto 24.

Irerekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate basic education committee, na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 sa sandaling hindi maabot ang 80% na paghahanda ng DepEd sa July 15.

SM food to go Banner Ad

“Para sa akin I’m giving them until July 15 to come up with a much more in-depth assessment and recommendation. Nakikita ko na patuloy `yung kanilang paghahanda, ang kanilang pagbibigay ng training. We need to give them enough time para i-assess kung ano `yung mga magiging recommendations natin come August 24,” ani Gatchalian.

Wala pang binanggit si Gatchalian kung anong petsa o buwan nila irerekomenda itakda ang balik eskuwela sakaling malaman na hindi pa handa ang DepEd.

“Dahil kung hindi tayo ready, walang matututunan `yung bata, at magsasayang lang tayo ng pera,” ani Gatchalian. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.