Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd rerepasuhin suspensyon ng klase

0 109

Pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang panuntunan nito hinggil sa suspensyon ng klase tuwing may kalamidad ngayong ipinatutupad ang distance learning o blended learning.

Inamin ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na kailangan nilang muling pag-aralan ito kasunod ng pagpasok ng bagyong `Ofel’ sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim kasi ng Executive Order 66 s. 2012, nakasaad dito na kapag Signal Number 1 ay otomatiko na walang klase sa Kinder. Habang hanggang high school naman kapag Signal number 2. Pasok naman ang kolehiyo sa Signal Number 3.

Pero nilinaw ni Umali na ang nasabing kautusan ay naka-base pa sa face to face classes. Kung siya umano ang tatanungin, dapat tuloy ang klase dahil naka-depende sa module at internet ang pag-aaral ngayon ng mga bata. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.