Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd sinisingil ng mga guro

0 228

Aabot sa 14 na buwan ang pasok ng mga guro sa pampublikong paaralan sa kasalukuyang school year sa halip na 10 buwan lamang.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), nagsimula ang pasok ng mga guro noong Hunyo 1, 2020 at matatapos ang school year sa Hulyo 2021.

Hindi gaya ng ibang empleyado ng gobyerno, walang vacation pay at sick leave ang mga guro sa pampublikong paaralan na kapalit ng kanilang halos dalawang buwang bakasyon sa pagitan ng bawat school year.

Iginiit ng ACT na dapat bayaran ng gobyerno ang sobrang trabaho ng mga guro.

“Requiring our teachers to do four months-worth of overtime work amid the pandemic and under the grueling distance learning is grave labor abuse. While our teachers are ever willing to rise to the call of duty for the sake of our learners, it is only just for the government to fairly compensate them for their service,” ani ACT secretary general Raymond Basilio.

Ayon kay Basilio, hanggang ngayon hindi pa rin natatanggap ng mga guro ang kanilang communication expense reimbursement at service recognition incentive para sa taong 2020. Ang performance-based bonus ng mga guro para sa taong 2019 ay hindi pa rin naibibigay. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.