Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd sinita sa mga titser na nadale ng COVID-19

0 236

Anim na guro umano sa Quezon City ang namatay matapos mahawa ng COVID-19 ngayong Marso, sabi ng isang mambabatas

Pero maaari umano na kulang ang datos na ito kaya dapat ilabas ng Department of Education (DepEd) kung ilan na ang mga guro at non-teaching personnel na nahawa at namatay dahil sa COVID-19, ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

“Makalipas ang mahigit isang taong naka-lockdown ang mga paaralan, hanggang ngayon wala pa ring malinaw na report ang DepEd sa bilang ng mga nagkasakit na guro at education support personnel, walang sapat na serbisyong medikal at sapat na proteksiyon ang mga guro mula sa sakit na COVID,” ani Castro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Castro na mayroong mga guro na pinapapasok sa mga paaralan bukod pa sa mga araw na nakakasalamuha nila ang mga magulang para sa pamimigay ng module.

Dapat umanong tulungan ng DepEd ang mga kawani nito na nahawa ng COVID-19 lalo at walang sick leave ang mga ito at wala ring magagamit na pondo sa ilalim ng Magna Carta for Public School Teachers para sila ay mapagamot.

“Mababa rin sa listahan ng prioritization ang mga guro sa bakuna para sa COVID. Ang lumalalang kalagayan ng pampublikong edukasyon at ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga guro at kawani nito ay nagpapakita lamang ng napakababang pagtingin ng administrasyong Duterte sa edukasyon,” ani Castro. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.