Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd sisilipin hazing sa grade 10 student

0 81

Mariing kinondena ng Department of Educa­tion (DepEd) ang hazing na sinasabing naganap sa San Enrique, Negros Occidental at nagresulta umano sa pagkamatay ng isang Grade 10 student kamakailan.

Tiniyak ng DepEd na hahalukayin nila ang na­sabing kaso.

Binigyang-diin ng DepEd na mahigpit na ipinatutupad ang Anti-Hazing Act na nagbabawal sa pagsasagawa ng hazing o kahit anumang karahasan laban sa mga mag-aaral katulad ng initiation rites sa mga fraternity, sorority at iba pang katulad na samahan.

Nakasaad din umano ang pagbabawal ng hazing sa DepEd Order No. 7, series of 2006 sa mga fraternity at sorority sa elementary at secondary school.

SM food to go Banner Ad

“Anumang pagkilos na gang-related o fraternity violence na isinagawa ng mga mag-aaral ay haha­rapin alinsunod sa mga probisyon ng DepEd Or­der No. 18, s. 2015 o ang Guidelines and Procedures on the Management of Children-At-Risk and Chil­dren in Conflict with the law,” saad ng DepEd.

Batay sa ulat ng Com­mission on Human Rights (CHR) na nag-iimbestiga na sa kaso, sumali umano ang biktima sa fraternity noong Marso ngunit hindi sumailalim sa initiation rites dahil menor de edad pa noon.

Bago ang pagkamatay ng biktima, isang araw lamang matapos ang kan­yang ika-18 taong kaarawan, sinabi umano nito sa kanyang mga magulang na pinagpapalo siya ng paddle ng mga suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.