Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd TV palpak sa praktis

0 209

Maraming netizen ang nakapansin sa mali at malalalim na salita sa pa-sample na English TV Lesson na ginawa ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa kanila, marami silang nakitang grammatical error na hindi maintindihan ng mga mag-aaral sa test run sa broadcast modality ng ahensya.

Batay sa Facebook post ni Citas Aquino, isang communications skills trainer, napansin niyang mali ang grammar ng isang salita sa ginawang English TV Lessons ng DepEd para sa Grade 8 na halimbawa ay “Tagaytay City is known for wonderful picturesque of the majestic Mount Taal. What does picturesque mean?”

Paliwanag ni Aquino, “‘Tagaytay City is known for wonderful picturesque; That is grammatically incorrect, okay? What does picturesque mean? Charming, running, ruined, perhaps. Even the choices of words do not even have any kind of connection with each other”.

Nilinaw nito na maging ang ginamit na word choices para sa salitang picturesque ay hindi tugma.

Nagbigay naman ng komento ang DepEd na kung saan ay nagpapasalamat sila sa pagpansin sa grammar at sinabing maliit na bagay ito kumpara sa kanilang ginagawa para mas mapaayos ang online learning.

SM food to go Banner Ad

Samantala, isa pang taga-DepEd ang nag-post sa social media na maging siya ay nasasaktan sa nangyari at ipinaliwanag ang posibleng dahilan ng pagkakamali na isa na rito ang hindi umano nagkaroon ng disenteng question and answers sa maigsing paghahanda. Higit sa malamang, ‘self-edit, self-destruct’ ang nangyari.

Ayon pa rito, ibinigay ang content creation sa isang team o kaya’y hinahati-hati sa iilan. Wala nang gaanong brainstorming. Malamang, monopoly of decisions. Ang masakit nito. Ang teachers na nasa likod ng pinagtatawanang slides ang pagtatawanan at kukutyain. ‘Teacher ka pa naman, mali grammar mo.’

Aminado naman ang DepEd sa mga kapalpakang sa kanilang pa-sample sa online learning.

Sa Twitter post ni DepEd Undersecretary Alain Pascua, aminado ito sa mga pagkakamali sa content ng laman ng kanilang broadcast at nangakong aayusin bago ang official broadcast sa Agosto 24.

“Tama ang mga komento ng mamamayan na may mga mali nga sa accuracy at maging sa grammar at typography,” ani Pascua.

“Asahan po ninyo na patuloy ang pagsasaayos na ginagawa ng DepEd upang maging maayos at handa ang lahat para sa darating na pagbubukas ng klase, mapa-online, radyo, tv o modular man,” giit nito.

(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.