Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DepEd TV wala sa tono tinuturong music – UP student

0 72

Pinuna ng isang estudyante sa University of the Philippines (UP) ang music lesson ng Department of Education na wala sa hulog.

“Minor subject na nga ang MAPEH, maliit pa tingin sa mga subtopics na nakapaloob dito?” sabi ni Joseph Tinio ng UP Diliman College of Music matapos mapanood ang umano’y “misleading” na pagtuturo ng DepEd TV ng rythmic pattern sa mga elementary student.

Sa Twitter, pinaliwanag ni Tinio kung bakit mali ang ginawang pagpapaliwanag ng isang DepEd TV teacher sa pagbasa ng nota.

“The notes are to be held based on the time value, or the number of beats,” aniya.

Binanggit niya na mali ang ginawa sa video na pumalakpak sa kada beat ng isang whole note (na may apat na beat), “because that’s gonna be four quarter notes.”

Pati “four-four” aniya ang pagbasa sa time signature at hindi “four-fourths” gaya ng pagbigkas sa fraction sa math subject.

“Because of its misleading contents, it makes it really hard for the students to study this alone, especially during the pandemic where we don’t get to ask questions (to our teachers),” ani Tinio.

Sa ngayon, nasa 31.7K likes at 11.7K retweets ang nasabing Twitter thread. Wala pang reaksyon ang DepEd hinggil dito. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.