Abante Tonite Interactive

Depensa ng Meralco kontra kompitensya — Bayan Muna

225

Hinikayat nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Isa­gani Zarate ang mga opisyal ng Manila Electric Company (Meralco) na mu­ling basahin ang resulta ng imbestigasyon na naunang isinagawa bilang ‘offshoot’ sa tangkang pagkorner ng Meralco sa mga subsidiary at affiliate po­wer supply agreement (PSA) na ang mga tuntunin ay pabigat sa mga konsyumer.

Ang mungkahi ni Rep. Zarate ay matapos ihayag ng Meralco na walang batas sa bansa o patakaran na nagbabawal sa ‘affliated generation company’ (genco) upang sumali sa ‘bidding’ para sa mga ‘supply requirement’ ng mga ‘distribution utility’.

Binigyan-diin ng kongresista na lumitaw sa imbestigasyon sa Kamara na ini-award ng Meralco ang kontrata sa mga kaanib nitong genco power supply na nadiskubreng may P900 bilyong overpriced power rates na babayaran nila sa sarili nilang kompanya sa pamamagitan ng mga affliated genco nito.

“The House investigation caught Meralco with its hands in the cookie jar, yet Meralco is feigning innocence about it,” ani Rep. Zarate.

Nakakita rin ng ‘probable cause’ ang Ombudsman upang kasuhan ng pag­labag sa ‘anti-graft law’ ang nasabi ring mga ERC official matapos magbigay ng hindi makatwirang benepisyo sa Meralco at iba pang kompanya sa pamamagitan ng pag-exempt sa kanila sa mga requirement sa CSP.

“Fortunately, the Supreme Court stopped the award. In blocking the PSAs, the High Tribunal even went to the extent of castigating the ERC for a CSP postponement that ‘unconscionably placed this public purpose in deep freeze for at least 20 years’. But Meralco thinks it did nothing wrong! We are not singling out Meralco per se but we are urging all other electric cooperatives or power dustributors who did not follow the CSP requirements not to bid for the PSAs and we should be vigilant in guarding them” giit pa ng Davao-based solon.