Abante Tonite Interactive

Deployment ban binaklas; skilled at semi-skilled puwede nang magtrabaho sa Kuwait

By
1,676

Maaari nang bumiyahe para magtrabaho sa Kuwait ang mga Filipino skilled at semi-skilled worker kasunod ng naayos na problema sa Kuwaiti government.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong inaa­sahang 20,000 na made-deploy sa Kuwait subalit hindi pa kasama dito ang mga domestic helper.

Sinabi ni Roque na bumabalik na sa dati ang lumamig na relasyon ng Pilipinas at Kuwait matapos ang kanilang biyahe noong nakalipas na linggo.

“Dito po sa Memorandum of Agreement na ito ay ngayong araw po ay inaasahan nating i-lift, lift na partially iyong ban sa deployment. Pupuwede na po muling magtrabaho iyong mga skilled at saka semi-skilled. At hindi na po magtatagal ay pupuwede na rin siguro magpadala ng mga domestic workers; pero meron po tayong mga repormang gagawin,” ani Roque.

Bago magpaalis ang gobyerno ng mga domestic helper ay kinakailangan munang palakasin ang screening at training ng mga papupuntahin sa Kuwait para mabawasan ang insidente ng pana­nakit ng mga employer.

Hindi aniya kaila­ngang maulit ang insidenteng sinapit ni Joanna Demafelis, kaya sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding ay nagkasundo ang da­lawang bansa na mag-move on na.