Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Depressed sa pandemya nagbigti

0 212

Sa sobrang depresyong dinaranas dahil sa pandemya, isang 51-anyos na lalaki na nawalan na ng pag-asang mabuhay pa ang nagpasyang magbigti kamakalawa sa Sta Cruz, Maynila.

Ayon kay PLt. Col John Guiagui, station commander ng Manila Police District-Police Station 3, ang di na pinangalanang biktima ay natagpuang wala ng buhay alas-9:30 ng umaga sa loob ng kanyang kuwarto at nakabigti sa frame ng double deck gamit ang extension wire.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima ala-1:00 ng hapon habang inihahanda ang pagkain ng kanyang ina. Kasunod noon ay pumasok na ito sa kanyang silid at nagbilin pa na huwag istorbohin.

Nang katukin at hindi sumasagot ang biktima ay sinilip hanggang sa makitang nakabigti na ito.

Wala naman umanong problema sa pag-ibig ang biktima kaya hinala ng kaanak nito na ang kawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemya ang dahilan kung bakit winakasan ang kanyang buhay.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.