Abante Tonite Interactive

Derbing patok sa maliliit na sabungero – Villanueva

By
0 144

Sa komportableng Las ­Piñas Coliseum darayo ang mga sabungero kaugnay ng ilalarga ngayong “Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby” na may 71 sultada sa Las Pinas Coliseum.

“Patok ang derbing ito taon-taon at maraming bagong smalltime cocker ang mga sumasali,” ani LPC llamador Cris Villanueva kahapon.

May mababang entry fee na P4,400 at minimum bet na P4,400 ang pasabong na ito ni businesswoman Budjit Aguilar.

Bukod sa three storey parking area (200 kotse), ikinabit na rin kamakailan sa LPC ang mga bagong aircon units sa 80 cockhouses at sa loob ng ruweda.

Samantala, inihayag ni coliseum manager at derby host Alex Tobias na may 50-70 ­entries ang inaasahan sa “Boss A ­Summertime 4-Cock Derby” sa Abril 24.

Matatawagan sina Grace 1 at Grace 2 pati si Julius para sa iba pang mga impormasyon sa 873-1040, 0929-180-0960, 0939-137-6455, at 0915-358-2076.