Abante Tonite Interactive

Derek amoy Kapamilya na

By
10

UMALIS pa-Europe si Derek Ramsay kasama ang kanyang pamilya. Hanggang sa katapusan daw sila ng November around Europe at magmi-meet din sila roon ng manager niyang si Jojie Dingcong.

Bago umalis ng bansa, nakita raw si Derek sa ABS-CBN, kaya marami ang dudang nalalapit na ang pagbabalik niya sa Kapamilya network. May gagawin din siyang pelikula sa Star Cinema kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino at sisimulan daw niya ‘yon pagbalik niya ng bansa at next year na ‘yon ipalalabas.

Ayon sa isang malapit kay Derek, sa ngayon daw, pelikula pa lang talaga ang gagawin ni Derek sa Star Cinema dahil hanggang next year pa ang kontrata niya sa TV5.

KaladKaren Davila  imposibleng kunin ng GMA

KaladKaren Davila

WALA pang exclusive contract sa ABS-CBN si Jervi Li o mas lalong kilala bilang si KaladKaren Davila, ang impersonator ni Karen Davila, pero may exclusive show na siya sa ABS-CBN Mobile, ang Kikinang-Kinang, na ‘hilarious show’ ang description ng mga taga-Kapamilya network.

Sabi ni KaladKaren, nakapag-guest din naman daw siya sa GMA 7 at open naman siya na mag-guest kahit saan. Pero sa ngayon, nakatutok daw si KaladKaren sa Kikinang-Kinang show niya sa ABS-CBN Mobile na kasama sa exclusive shows sa nabanggit na mobile network.

Sabi naman ng iba, imposible namang kunin ng GMA 7 si KaladKaren dahil si Karen nga ang ini-impersonate niya dahil parang mapo-promote naman ng Kapuso network si Karen dahil ang news personality ng Kapamilya network ang maaalala ng viewers sa tuwing lalabas si KaladKaren, so feeling nga ng marami, talagang pang-ABS-CBN talaga ang nasabing impersonator.

Anyway, mukhang maganda naman ‘yung Kikinang-Kinang ni KaladKaren kung ang pagbabasehan ay ang merge plug na ginawa ng ABS-CBN Mobile.

Bukod kay viral sensation KaladKaren, ang iba pang Kapamilya stars na may shows sa ABS-CBN Mobile ay sina Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, and Marco Gallo, host and comedian Alex Gonzaga, celebrity radio jock Mr. Fu, at ang kilig ambassadors na Hashtags.

Para ma-access ang ABS-CBN Mobile Exclusives na ito, ABS-CBN Mobile users must have an active SIM with internet connection (3G or Wifi). Subscribers can subscribe to KSURF promo loads to get value for their money. For as low as Php30, ABS-CBNmobile subscribers can get 350MB to watch these shows. To subscribe to KSURF30, they just need to dial *128#.

Annabelle namangha sa ka-macho-han ni Raymond

Raymond Gutierrez

SA pagtse-check ni Annabelle Rama sa kanyang Instagram account, na-focus ang kanyang atensyon sa mga ipino-post ng anak niyang si Raymond Gutierrez.

“Puro muscles na si Mond. Grabe, tingnan mo, Eduardo (her husband Eddie Gutierrez). Noon, ang taba ni Mond. Ngayon, puro muscles at may abs pa siya. Nakagugulat,” sey ni Bisaya nang sakay kami ng isang van sa Cebu.

Sabi naman namin kay Bisaya, “Paano, ilang beses yata sa isang araw kung mag-gym siya!”

Ang mga picture na pino-post ni Raymond sa kanyang IG account lately ay kuha sa Bali, Indonesia kung saan ay nagbakasyon sila ng kaibigang si Bubbles Paraiso.

Kahapon ay nakabalik na sila ng Pilipinas at tinanong namin si Raymond kung ilang beses ba siyang mag-gym sa isang araw?

“Once lang naman, pero everyday ako nagte-training,” sey ni Raymond.

Ayaw na nga ni Raymond na tumaba uli, kaya bukod sa pagdyi-gym, nagda-diet din siya.