Abante Tonite Interactive

Derek at Paolo maglalampungan

By
1,680

Palong-palo ang movie career ng dalawang artists ng JLD Management, sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsay bilang dalawa sa trusted at bankable lead actors sa pelikula.

Boxoffice sa takilya ang latest starrer ni Paolo mula sa Regal Entertainment, ang ‘My 2 Mommies’, na humamig ng P5.5 M opening day gross. Hindi lang ito pinilahan sa mga sinehan, umani rin ito ng magagandang reviews sa kanyang performance. Bentang-benta ang pagbibitiw niya ng nakakatawang linya at tagos sa puso ang kanyang pagdadrama.

After ‘M@M’, ikinakasa na ang next movie ni Paolo na lalong magpa­patingkad sa kanya bilang boxoffice attraction at magaling na aktor!

Si Derek naman, huli siyang napanood sa Metro Manila Film Festival na ‘All of You’ kung saan tinanghal siyang Best Actor. Bago ‘yon, tinangkilik ng moviegoers ang Regal movies niyang ‘Love Is Blind’ at ‘The Escort’.

Ang latest film ng hunk actor ang love triangle drama na ‘Kasal’, ito ang opening salvo kaugnay ng 25th anniversary ng ABS-CBN Films at Star Cinema. Magsisilbi rin niya itong homecoming sa film outfit kung saan ginawa niya ang ‘No Other Woman’, ‘Ex With Benefits’, ‘I Love You Goodbye’, The Unkabogable Praybeyt Benjamin at iba pa.

Higit na matindi ang handog ni Derek sa muli niyang pagbabalik sa film outfit sa role niyang nagpatingkad sa pagi­ging lead actor niya dahil makikipagtagisan siya sa pag-arte sa co-stars niyang sina Paulo Avelino at Bea Alonzo. Mula ito sa direksyon ni Ruel Bayani sa mapapanood sa Mayo 16.

Sa pagbongga ng movie career nina Paolo at Derek, may chance na magsama silang dalawa sa isang pelikulang lalong magpapatibay sa kanila bilang boxoffice actors, huh!
Waiting na ang mga beki na maglampu­ngan ang dalawa sa isang pelikula, huh!
Bet?