Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek baby boy ang target kay Ellen

0 282

Sinalubong ng pagbati si Derek Ramsay sa kanyang ika-45 kaarawan nu’ng Martes. ito ay sa pangunguna ng kanyang asawa na si Ellen Adarna.

Sa Instagram story ni Derek ay pinasilip niya ang ilang kaganapan sa pagdiriwang niya ng kaarawan, na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Pero,bukod-tangi ang video clip na ibinahagi ng kaibigan ng aktor na si Gali Gonzaga.Makikitang hawak ni Ellen ang isang cake habang umaawit ang iba ng happy birthday.

Tinanong si Derek kung ano ang kanyang birthday wish. Buong ningning na sinagot ng aktor: ‘“I wish it’s a boy!”, kung saan naghiyawan lahat ng bisita.

Nagduda tuloy ang iba at nagtanong kung buntis na ba si Ellen. ( Joven. Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.