Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek bugbog sa ‘hiwalayan’ kay Andrea

0 238

Matunog ang balitang hiwalay na umano sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Wala pang opisyal na pahayag o kumpirmasyon ang dalawa.

Nagsisilbing basehan lang ang pag-delete nila sa mga larawan nilang magkasama sa Instagram. Pati na rin ang pag-unfollow ni Andrea kay Derek sa IG.

Posibleng inaayos ng dalawa ang gusot sa relasyon nila kaya patuloy silang tahimik.

Nagdududa naman ang ilan na baka raw gimik lang ito.

Pero ngayon pa lang ay kawawa na si Derek sa mga reaksyon ng netizen. Binubugbog siya. Meron siyang pinatulan at sinagot ng bastos dahil below the belt ang komento.

Narito pa ang ilang opinion na mababasa sa kanilang IG account.

@carlotbantolo374, “Mas maganda tignan pag ang lalaki in love sayo..kesa s babae in love sa lalaki..para si andrea lang gumagawa ng effort sa relasyon nila..kitang kita!! Anyway u deserve something more than him…God has a plan..”

@jeanell13, “ Kawawa naman c andrea. kasalanan nya rin kc eh nkipagrelasyon cya sa maling tao .”

@therealjearlenmae, “Hiwalay na…. asa ka pa kay derek! Kakarmahin din un!”

May mga namamalasakit din sa dalawa at nagbibigay ng suporta.

@andrek.south, “i love you both @andreaetorres @ramsayderek07 i just hope everything will be okay soon. please dont give up to each other. “

@remzkhian, “Mam andrea …napanood nio na ung nasa YouTube na hiwlay ndw kayu n papa D.. 😢😢😢 d q naniniwla skinla…. Plsssssssss 🙏🙏🏻🙏 po Wq po kayu maghhwly kht anung pagsubok yan mllmpasn din nio yan… Parang mabbliw q sa kaiisp kung totoo ba o Ndi ung napanood q sa YouTube….. 😢😢😢idol ñ idol ko po kayu…????”

@08_iamrose, “Please stay strong. We really miss you and derek together.”

@venusmagsino, “That’s life. One door closes, another opens.. life goes on.. stay beautiful.”

Bukas ang panig nina Derek at Andrea para sa ikalilinaw ng isyung ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.