Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek, Ellen bagay

0 108

NI: ARCHIE LIAO

Maraming netizen ang nag-react sa IG post ni Ruffa Gutierrez kung saan sighted na kasama niya sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

May caption itong “Hanging out with my super fun neighbors.”

Nag-post din ang aktres ng video clips kasama ang dalawa habang nagkakatuwaan sa piling ng ilan pa nilang mga kaibigan.

Sa isa namang photo, makikita ang closeness nina Derek at Allen kung saan nagtitigan pa sila.

Sey naman ni Ruffa, it was just for fun at hindi dapat bigyan ng malisya.

Kuha pala ang mga photo sa dinner na ini-host ni Derek sa kanyang bahay.

Komento ng mga netizen, bagay raw sina Derek at Ellen .

Agree rin sila na magkakasundo ang dalawa dahil pareho silang iwas-pusoy pagdating umano sa commitment.

May bitchy netizen na nagsasabing ang saya-saya rin daw sana ng rigodon kung kasama sa equation at sa picture sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz na may konek sa tatlo.

Bago pa man kasi nagkarelasyon at nagkaanak sina Ellen at John Lloyd na nauwi sa hiwalayan ay naging ex ni Lloydie si Angelica.

Sa kaso ni Panganiban, naging dyowa muna niya si Derek bago napunta ang ex nitong si Lloydie kay Ellen.

Si JLC rin ay nagkaroon ng short-lived affair kay Ruffa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.