Derek, Ellen engaged na

NI: VINIA VIVAR
Engaged na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay! Ang aktres mismo ang nag-post ng mga larawan sa kanyang Instagram account.
Sa series of photos na in-upload ni Ellen, makikita ang kaganapan na naganap sa proposal ni Derek sa kanya. Sa isang larawan ay nakasulat sa wall ang proposal question na “will you marry me?”
Makikita rin ang close-up ng kamay ni Ellen na may suot na engagement ring.
May larawan din na tila umiiyak si Ellen habang yakap siya ni Derek at hinahalikan sa noo.

Sa malas ay nabigla si Ellen sa proposal dahil in one photo ay makikita sa facial reaction niya ang pagkagulat.
Nasa larawan din ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias at ilang mga kaibigang naging saksi sa proposal.
“Game over @ramsayderek07,” ang simpleng caption ni Ellen sa mga larawan.
Dumagsa naman agad ang pagbati ng kanilang mga celebrity friends kabilang na sina Heart Evangelista, KC Concepcion, Iza Calzado, Luis Manzano, Jessy Mendiola, ang kupido nila na si Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Denise Laurel, Beauty Gonzalez, Solenn Heussaff, Nathalie Hart at marami pang iba.
Matatandaang last March 4 lang nagdiwang sina Ellen at Derek ng kanilang first monthsary.