Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek, Ellen nag-imbita na sa kasal

0 214

NI: VINIA VIVAR

Matapos ang pamamanhikan ni Derek Ramsay sa pamilya ng fiancee na si Ellen Adarna some two weeks ago, mukhang nasa last stage na ng preparations for their wedding ang showbiz couple.

Tila nasa stage na sila ng pamimigay ng wedding invitation dahil may nag-post na nito sa social media.

Sa Instagram post ng fan page na ellen_adarna2021, makikita ang isang print out na may nakasulat na “Confidential, “Save the date” at “Derek & Ellen.”

Makikita rin dito ang drawing ng mukha ni Derek na kuha mula sa announcement ng kanilang engagement last March. Sa malas ay ito na ang kanilang wedding invitation.

May naka-post ding picture ng isang basket of flowers na sa itaas ay nakalagay ang naturang “save the date” invitation.
Sa isang video naman ay makikita sina Derek at Ellen at anang akres, “sending out for our ninongs and ninangs” at mukhang pinapadalhan na nga nila ng imbitasyon ang kanilang mga ninong at ninang.

Ang nasabing video ay nasa Instagram Story rin ni Ellen.

So, mukhang araw na lang ang binibilang para sa “big day” nina Ellen at Derek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.