Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek, Ellen ‘panis’ kina John Lloyd, Andrea

0 3,372

NI: ARCHIE LIAO
Now that the cat is out, na may balak gawing sitcom si John Lloyd Cruz kasama si Andrea Torres sa GMA-7, hindi pa man ay iniiintriga na ang kanilang pagsasama.

Ang naturang sitcom kasi ay ipoprodyus ni Willie Revillame kung saan posible ring maging co-producer si Lloydie.

Hirit ng kibitzers, hindi naman isang big joke ito considering na situational comedy ang kanilang project together.

Sey nila, brilliant idea raw na pagsamahin ang dalawa dahil tiyak na pag-uusapan ito . Hindi maiiwasang anggulong pareho silang exes ng couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Lulumain daw nito at ‘panis’ umano ang real-life drama-rama nina Derek at Ellen na may sawa factor na.

This early pa, may nagtatanong din, hindi raw kaya madevelop sina JLC at Andrea sa isa’t-isa since pareho naman silang single.

Si Lloydie ay pumirma na sa produksyon ni Willie Revillame para gawin ang television special ng isang shopping online na exclusive na mapapanood sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.