Abante Tonite Interactive

Derek magku-quit na sa showbiz

By
Derek Ramsay
23

Malulungkot ang fans, friends sa industry ni Derek Ramsay kapag nagpakasal na ito at magkaroon ng sariling pamilya.

Sa ikalawang pagkakataon, sinabi ng hunk actor na magku-quit na siya sa showbiz kapag nagsimula na ang buhay niya bilang asawa at ama sa kanyang sariling family.

Sinabi uli ni De­rek ang tungkol dito sa group interview ng media sa kanya pagkatapos ng presscon proper sa lalabas na MMFF 2017 movie entry nila ni Jennylyn Mercado, ang All of You, directed by Dan Villegas.

Ayon kay Derek, gusto niyang bigyan ng mas maraming oras ang kanyang pamilya kaya magku-quit siya sa showbiz.

Nag-dialogue na ng ganito si Derek sa presscon niya noon sa TV5 para sa seryeng ginawa at dinirek ni Brillante Mendoza.

Sey niya, kung magtatrabaho siya sa showbiz posibleng sa likod na lang ng kamera o ‘di kaya ay lalabas na lang siya paminsan-minsan sa pelikula.

Malamang na sa sports arena na lang siya umikot bilang consultant ng isang network, pero hindi na raw showbiz.

Sa presscon may kakaibang glow sa mata niya si Derek sa naiisip na buhay kapiling ang babaeng gusto niyang pakasalan, ang kasintahang si Joanne Villablanca. Say niya, iniwan niya ang Frisbee dahil mas gusto niyang laging kasama ang girlfriend.

Inamin niyang nagli-live in na sila nito at nais niya na palagi sa paggising niya ay si Joanne ang nakikita niya. ‘Pag hindi raw niya nakikita sa tabi ang kasintahan, hinahanap niya ito.

Anyway, sa laki ng kinita ni Derek sa pag-aartista, puwede na siyang mabuhay nang marangya kahit wala na siya sa showbiz.

Ara wagas ang pagmamahal kay Baching

Kaya sobrang blessed si Ara Mina dahil sa wagas niyang pagmamahal sa kanilang ka­patid na special child.

Ang sipag mag-post ni Ara ng sweet moments nila ng kanyang kapatid na si Baching lalo na noong wala pang one year old ang anak niyang si Amanda.

Ipinagmamalaki ni Ara ang sister niya kahit hindi ito gaya ng iba. Ikinatutuwa nito ang mga ginagawa ng ka­patid sa mga pagpapa-cute nito.

Kamakailan lang, naging proud na naman si Ara kay Baching kaya pinoste nito ang la­rawan ng kapatid sa kanyang Instagram account kung saan may sash pa ito at kasama si Amanda.

Nanalo ng special award si Ba­ching bilang Miss Charming sa isang beauty pageant para sa mga special child na Miss Possibilities.

Sabi ni Ara, first time ng kapatid na su­mali ng pageant at nagkaroon agad ito ng special award.

“Congratulations to my sister @ilovebaching for her special Miss Charming award at Miss Possibilities yesterday. It’s her first pageant ever and she really enjoyed it. Super happy niya last night. Congra­tulations to all the organizers of #misspossibilities for a very successful event and thank you for inviting us,” sabi ni Ara.

May larawan din si Judy Ann Santos sa kanyang IG wall kasama ang isa ring contestant ng Miss Possibilities.

“Sharing the runway for Miss Possibi­lities with this little angel once again,” sabi ni Juday.