Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek makikigulo kina John , Ellen

0 266

Si John Estrada pala mismo ang pumili kay Ellen Adarna para maging leading lady niya sa sitcom na John En Ellen bilang isa rin siya sa producers ng naturang programa.

Kwento ni John kahapon sa ginanap na virtual media conference, noon pa raw ay fan na siya ni Ellen at sinusubaybayan niya ito sa Instagram. In fact, aliw na aliw raw siya sa mga posts nito kaya naman nang binubuo nila ang sitcom ay ito raw talaga ang una niyang naisip.

“Iba ang character nitong babaeng ‘to. Definitely, we all know that she’s controversial and all that. But there’s more to her than that. She’s so bubbly, she’s a very good soul, you know, I’m glad kahit kelan man matapos itong John En Ellen, I’m just glad that I met this beautiful human being,” pahayag ni John.

Papuri pa niya sa leading lady, “she brings great energy on the set, she’s bubbly, she’s a character. She speaks her mind, she’s honest and alam ninyo kung meron man kayong mga “bad image” of Ellen Adarna, pakitapon n’yo na po ‘yan dahil hindi siya ‘yan.”

Aminado rin si John na talagang inakala niyang hindi tatanggapin ni Ellen ang project.

“We really thought na hindi papayag si Ellen kasi nga, ang balita namin, ayaw na niyang mag-artista kas inga ‘yung priority niya, ‘yung anak niya, si Elias.

“But thank God, pumayag siya, just because, alam niya nga na ang proyektong ito ay para talaga sa kanya at saka napaka-light, masaya lang,” sey pa ni John.

SM food to go Banner Ad

As for Ellen naman, para raw talagang nagkataon nan ang i-offer sa kanya ang sitcom ay naka-schedule silang pumunta ng Manila dahil nga imi-meet ng anak niya ang tatay nitong si John Lloyd Cruz. She took it as a sign since umayon nga sa schedule niya.

At least daw, habang nasa daddy niya si Elias, siya naman ay nagte-taping at may ginagawa rin.

Pero hindi raw full time ang pagbabalik niya sa showbiz dahil aniya, ang anak pa rin niya ang kanyang priority.

Natanong si John kung possible bang mag-guest si Derek Ramsay sa show na alam naman nating nali-link ngayon kay Ellen.
“Of course,” ang sagot ni John who is a good friend of Derek also. “Yeah, definitely. Kailangan lang magpa-swabbing siya,” sabay-tawa.

“Definitely, we’re thinking about it, hindi pa lang namin alam kung kelan, but of course. Baka nga siya ang unahin naming guest sa John En Ellen,” dagdag pa ni John.

So, kumpirmadong makikigulo si Derek sa sitcom ng dalawa.

Mapapanood ang John En Ellen every Sunday simula ngayong Jan. 24, 7pm mula sa direksyon ni Willie Cuevas. Kasama rin sa cast sina Ronaldo Valdez, Long Mejia, Haiza Madrid, Yoga Singh at ang anak nina Sunshine Cruz and Cesar Montano na si Angelina Cruz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.