Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek muntik suntukin si Ellen

0 54

Muli na namang tinakot ni Ellen Adarna sa ipis ang fiancé niyang si Derek Ramsay.Talaga namang halos magwala ang aktor.

Sa video na ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram story, dinig na dinig na agad ang malakas na sigaw ni Derek na takot na takot.

“No, no, no, no! Stop it, babe! Babe!” ang sigaw ni Derek habang hawak ni Ellen ang ipis.

Makikitang nakabaluktot sa sofa si Derek at tinatakpan ang kanyang mukha dahil ayaw niyang makita ang ipis.

Ayaw pa ring tumigil ni Ellen at inilapit pa niya lalo kay Derek ang ipis.

“Babe, babe, suntukan ‘to! Suntukan ‘to!” sigaw ng aktor.

Tawa naman nang tawa si Ellen na hawak pa rin ang ipis.

“Love, love, please…please…stop it,” sabi ulit ni Derek.

Siyempre, tumigil din naman si Ellen at tinakot naman ang ibang kasama sa bahay.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na tinakot ni Ellen si Derek na may phobia pala sa ipis. Kamakailan lang ay ginawa niya ito pero medyo malayo naman siya sa fiancé dahil nasa kabilang side ito ng pool.

Gayunpaman ay kitang-kita na nag-panic na si Derek kahit ang layo naman ng ipis sa kanya.

Toni 20 taon na kina-cancel

Inamin ni Toni Gonzaga na naranasan na rin daw niya cancel culture sa social media. Ibinahagi niya ito sa kanyang panayam kay Will Dasovich para sa “Superhuman” podcast ng vlogger and former Pinoy Big Brother housemate.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang terminong “cancel” sa social media ay ginagamit sa mga celebrities or kilalang personalidad at parang katumbas na rin ito ng boycott or pagtigil sa pagsuporta.

Napag-usapan kasi nila ang cancel culture sa socmed at ayon nga kay Will, nakakatakot ito among celebrities or public figures dahil pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan mo by getting cancelled.

Sey naman ni Toni, “I have been cancelled for 20 years of my life!”

Natawa si Will na parang hindi makapaniwala.

Patuloy ni Toni, “last year, I’ve been cancelled for 1 whole year during the pandemic. People tell me or my sister would tell me, ‘you’re trending, people are cancelling you.’ Again? They’ve been cancelling me for 20 years!”

Pero ayon kay Toni, ang importante raw hindi niya kina-cancel ang sarili niya.

“No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what’s important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that’s the biggest betrayal,” sey ng TV host/actress.

Pinakamasakit daw kasi na betrayal ay kung sarili mo mismo ang bine-betray mo.

“Caroline Myss said that the biggest betrayal and the most painful betrayal you could ever experience is the betrayal that you do to yourself.

“They can all betray you, you can move on from that. Pero when you betray yourself, that’s hard to forgive,” ani Toni.

Kaya hindi raw masakit sa kanya kung i-cancel man siya ng mga tao as long as hindi niya kina-cancel ang sarili.

“So it is not painful for me to be cancelled by society because I don’t cancel myself.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.