Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek nag-ahit ng pubic hair

0 167

Naging panauhin sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa isang vlog. Sumalang sila sa challenge na “Never Have I Ever Been”.

May twist na pag hindi masasagot ang tanong ng JaMill ay kailangang uminom ng alak ni Derek.

Pinakaunang tanong sa hunk actor ay kung natae na ba ito nang aksidente habang natutulog.

Ayon naman kay Derek, pagdating sa ganoong topic, siya ang pinakamaraming istoryang maibabahagi.

Ibinuking naman ni Ellen kung ilang beses pa raw bumalik si Derek sa upuan para linisin ito kung saan bumunghalit ng tawa ang lahat.

Ani Derek, napaaway na rin daw siya sa public. Never naman siyang nakapagbakasyon ng solo.

Nawalan na rin daw siya ng cellphone.

Kasama na raw dito ang cellphone na binasag ng kanyang ex.

Hindi naman niya ikinaila na nag-uulit din siya ng underwear pati na medyas.

Dagdag pa niya, never pa raw siyang nag-google ng sexual position for new experience. Hindi na raw niyang kailangang kumuha pa ng tips sa iba.

Aminado rin siyang nag-aahit siya ng pubic hair.

Pinatotohanan naman ito ni Ellen na witness sa nakita niyang makapal na buhok sa loob ng kanilang banyo.

Francine nagpasaring kay Andrea

Maraming netizen ang naloka noon sa pagtatapat ni Andrea Brillantes sa vlog ng Squad Plus na naiinggit siya o threatened sa mga baguhang artista na nabibigyan agad ng break sa showbiz.

Aniya, sa kaso raw kasi niya ay maraming taon ang ginugol niya para mapansin siya at mabigyan ng breaks sa pagbibida sa mga teleserye.

Ito ay kahit ang tagal na rin niyang nagpursige sa pag-arte kaya feeling daw niya ay para siyang platong binabasag kapag nauunahan pa siya ng mga baguhan.

May mga intringgera namang kibitzers na nagsasabing ang tinutukoy niyang baguhan ay ang kanyang kasamahan sa “Gold Squad” na si Francine Diaz.

Sa kanya namang bagong vlog, sinagot ni Francine Diaz ang assumptions ng mga tao tungkol sa kanya.

Kuwento niya, dati raw siyang nag-aaral ng taekwondo kung saan ang kalaban niya minsan sa competition ay ang kanyang kaibigan.

Nahinto na raw ito nang pumasok siya sa showbusiness.

Inamin din niya na siya iyong tipo ng tao na ipaglalaban ang kanyang mga kaibigan dahil loyal daw siya at clingy.

Nilinaw rin niya na hindi siya isang snob at sa totoo lang ay approachable siya ng fans.

Hindi rin daw siya “plastic” although pinipili lang daw niya ang kanyang mga kaibigan na makakapalagayan ng loob.

Mapagkakatiwalaan din daw siya kahit sabihan ng sikreto ng isang kaibigan.

Sa tanong naman kung naiinggit ba siya sa success ng kanyang mga nakakatrabaho, ito ang kanyang naging sagot.

Aniya, hindi raw siya nagseselos sa tagumpay ng mga ito, bagkus natutuwa siya sa anumang natamo ng mga ito lalo na ng big stars.

Dahil sa komentong ito, ilang bitchy netizens naman ang nagpapalagay na nagpasaring umano ang “Huwag Kang Mangamba” actress sa co-star na si Andrea.

Sa question naman kung masinop ba siya sa pera, inamin niyang hindi raw siya iyong tipong maluho .Simple lang daw ang kanyang lifestyle.

Leave A Reply

Your email address will not be published.