Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek napamura kay Ellen

0 3,251

NI: ARCHIE LIAO

Viral ang kumalat na video kung saan ni-wax ni Ellen Adarna ang mga balahibo sa paa ng boyfriend na si Derek Ramsay.

Ayon kay Ellen, natalo ito sa kanilang bet kaya iyon ang kailangang pagdaanan ng hunk actor.

Sa video, napasigaw na lamang si Derek sa tuwing hihilain ni Ellen ang wax na nakadikit sa mga balahibo niya sa paa.

SM food to go Banner Ad

Maririnig naman ang pagtawa ni Ellen sa tuwing napapahiyaw si Derek sa sakit.

Dahil din sa sakit, napamura si Derek kay Ellen.

Marami namang netizen ang naaliw sa kanilang labutsingan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.