Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek pinagtripan ang boobs ni Ellen

0 64

NI: ARCHIE LIAO

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang tinanggal na ‘breast implant’ ni Ellen Adarna na pinagtripan ni Derek Ramsay.

Sa isang video, habang suot ni Derek ang nasabing breast implant, may hirit pa itong ‘nami-miss niya ang old boobs” ng kanyang misis.

Hirit tuloy ng ilang kibitzers, naghahanap daw yata ang actor ng bagong boobey .

Matatandaang napagdesisyunan ni Ellen na ipatanggal ang silicone shells sa kanyang dibdib kamakailan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani Ellen, nakaramdam daw kasi siya ng kung ano-ano sa katawan habang dala-dala niya ang mga ito.

Dagdag pa ng aktres, nagkaroon din daw siya ng karamdaman na kung tawagin ay “breast implant illness”.

Ilan sa mga sintomas nito ang back pain, fatigue, at brainfog dulot nang pagpapalagay ng implants sa kanyang dibdib.

Ayon pa kay Ellen, nahirapan siyang huminga dahil dito.

Kaya masasabing relief para sa kanya nang maipatanggal na ang dinadala sa dibdib.

Leave A Reply

Your email address will not be published.