Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek respetado si John Lloyd

0 103

Naka-off na ngayon ang comment section ng isang post ni Derek Ramsay last March 3 .Makikita sa video na para silang isang masayang pamilya nina Ellen Adarna at anak nito kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Pero nakunan ng ibang online sites ang komento ng ilang mga netizen at ang sagot nina Derek at Ellen noong naka-activate pa ang comments section.

Makikita na nagkomento pa si Ellen sa post ni Derek ng “my boys my heart. I kennot.”

Sumagot naman si Derek ng “ako na bahala sa heart mo love.”

Isang netizen ang nagkomento ng “why so insensitive naman for JLC feelings. Ramdam ko ‘yun pain niya as a father. Godbless to him.”

Sumagot si Derek sa komentong ito at aniya hindi niya dini-disrespect si Lloydie.

“I mean no disrespect to him. I know he is a good father.”
May isa ring follower na nagkomento na isa rin siyang single mom at alam niya ang pinagdadaanan ni Ellen. “But I never disrespected the father of my child. No matter what happened between us, I could never do that. You and JLC once loved each other so I can’t even begin to understand why you guys has to post this, and as for you Derek whom I once idolized and respected, I am very disappointed in you. You are a man yourself and was hurt a few times, how do you think JLC feels when he sees this with his son it. I am completely and utterly disgusted. What exactly are you guys telling people? You guys should be ashamed of yourselves. People already know you two are together. Isn’t that enough?” ang sabi ng netizen.

Hindi ito pinalampas ni Ellen at sinagot niya rin.

“So everyone need to adopt your values and beliefs just because you think it’s right? Because you think it’s disgusting? Have an open mind and open heart (heart emoji) that is what the world needs. Not your unsolicited advice…and let’s say, I listen to you, what would it do for you? Believe what you want, just don’t impose them on others,” ang halatang imbiyernang sagot ni Ellen.

Well, kung sabagay, kami man, nang una naming nakita ang post ni Derek na masaya silang naglalaro ni Elias, ang una talagang pumasok sa isip namin ay kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Lloydie.

Kim nag-throwback sa niratrat na van

Kahapon, March 4 ay nagsimba si Kim Chiu bilang pasasalamat sa kanyang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya at exactly a year ago.

Matatandaang March 4 last year nang paulaanan ng bala ng mga hindi nakikilalang lalaki ang van ni Kim kung saan ay lulan ang aktres, ang driver at ang kanyang personal assistant.

Himalang nakaligtas silang lahat sa shootout. Nasugatan ang kanyang PA but luckily ay hindi naman ito malubha.

Obviously, hindi pa rin nakakalimutan ni Kim ang traumatic experience na ito kaya kahapon ay nagsimba siya’t ipinost niya sa kanyang IG page ang pagbisita niya sa simbahan.

“Pray, Hope, and Don’t worry. -Padre Pio

“Since the start of lockdown, I haven’t visited the church, but today is a special day. As I say my prayer of thanks it felt different…..🤍😢,” ang bungad ni Kim sa kanyang caption.

Nag-post din ng ilang Bible verses si Kim at aniya, dahil sa pangyayari ay mas lalo pa raw lumakas ang faith niya kay Lord.

“It has been a year. My faith just grew stronger every day. I woke up being extra grateful for this beautiful and colorful life he has given me. 🤍

“Hindi parin ako makapaniwala na nangyari yun. Pero lubos ang pasasalamat ko na andito parin ako. I lift everything in your mighty name. Maraming Salamat po.

“Our faith in God and his control is measured by how courageous we are when we are put to different tests in life. Thank you, Father God. Salamat Po. #ForeverGrateful #foreverthankful #LiveByFaith 🤍🤍🤍” pahayag pa ni Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.