Abante Tonite Interactive

Derek sumawsaw sa rambol ng Gilas Pilipinas

By
4,266

Nagpahayag ng pagkalungkot si Derek Ramsay sa nangyaring “rumble” sa pagitan ng Gilas Pilipinas at team Australia sa katatapos lamang na basketball game at the FIBA World Cup Asian na ginanap last Monday night at the Philippine Arena.

Sa kanyang Instagram story, ani Derek, “Wow, Gilas Pilipinas, team Australia, so bad for the sports. It’s sad. What’s worse is, our fans got involved.”

Isa rin sa national athlete natin si Derek dahil matatandaang kasama siya sa Philippines natio­nal ultimate frisbee team at ilang beses na rin siyang nakipag-compete sa ibang bansa. Marami na rin siyang medalyang nakuha dahil dito.

Samantala, hanggang ngayon ay talk of the town pa rin ang naganap na rambol at buong mundo yata ay talagang na-shock sa pangyayari. Kami man ay ngayong lang nakakita ng ganu’n kalaking away sa loob ng basketball court at mukhang matatagalan pa bago humupa ang issue lalo na’t national issue na ito ngayon at lahat ay gustong makisawsaw.

Zanjoe kinilig kay Josie

It’s about time na rin naman siguro na magkaroon ng bagong girlfriend si Zanjoe Marudo dahil ang tagal na kaya niyang walang love life. Kung hindi kami nagkakamali, after Bea Alonzo ay wala pa siyang ipinakikilala sa publiko na bagong pag-ibig.

Na-link siya kay Bela Padilla habang ginagawa nila ang seryeng My Dear Heart last year, pero mukhang hindi naman nag-materialize.

Nali-link ngayon si Z sa surfer-model na si Josie Prendergast na nagsimula nang mapagkikita sila lately na magkasama. At aminado naman ang aktor in his latest interview sa mga ABS-CBN reporter na inspired siya ngayon.

Aniya ay getting to know each other pa lang sila ng surfer-model dahil bago pa lang daw silang magkakilala.

Natanong nga ang aktor kung ano ang reaksyon niya sa viral photo nila ni Josie na kuha sa Siargao during the girl’s birthday at sey niya, kinikilig daw siya.

Aminado rin ang aktor na may time na siya for love now.

“Ngayon may time na dahil natapos ko na ‘yung dalawang movies na ginagawa ko itong ‘Kusina Kings’ at ‘To Love Some Buddy’,” ani Z.

Asked to react on his viral photo with the sur­fer-model that was taken in Siargao during Pren­dergast’s birthday, Marudo said: “Reaksiyon ko? Kinikilig ako.”

“Getting to know kasi bago pa lang naman ka­ming magkakilala.”

***

Ang dating partners in crime, mortal enemies na ngayon. Yan ang peg ng mga karakter nina Mark Herras at Jay Manalo bilang sina Darius at Supremo sa action-series ng GMA na The Cure. At dahil ito sa karakter ni Jennylyn Mercado na si Charity.

Hinikayat na kasi ni Charity si Darius at ang ilan sa kanilang kasamahan na magsanib-pwersa para labanan si Supremo para wakasan ang kasamaan nito. Mas naging exciting at hindi dapat palampasin ang mga susunod pang kaganapan lalo pa’t nag-away ang dating magkakampi nang malaman ni Supremo na isa nang kalaban si Darius.