Abante Tonite Interactive

Derek tinanggihan ang horror movie ni Kris

713

Tinanggihan nga ba ni Derek Ramsay ang MMFF 2019 movie dapat nila ni Kris Aquino na “(K)Ampon”?

Kuwento ng aming source, hindi raw tinanggap ni Derek ang movie dahil hindi kaya ng schedule nito.

Busy ang hunk actor sa taping ng Kapuso primetime series nito na “The Better Woman” with Andrea Torres na sa Laiya, Batangas ang location.

May iba pa raw rason si Derek, na inispluk sa amin ng source namin, basta ang ending ay tinanggihan na raw nito ang nasabing horror movie.

Maging si Kris ay mukhang nag-beg off na rin daw sa project dahil nalaman umano nito na may iba nang kinukuhang artista na kapalit niya.

September 20 ang isinet na deadline ng MMFF selection committee para sa finished film entries na apat ulit ang pipiliin after nu’ng four entries na unang in-announce.

Kung magkakaproblema sa kanyang sked ay tama lang sigurong huwag na itong tanggapin ni Derek dahil ngayon lang siya nagbabalik-teleserye at saka hindi naman kagandahan ang resulta sa takilya ng huling MMFF movie na pinagtambalan nila ni Kris nu’ng 2015.

Dagdag pa ng aming source, may isang aktres na raw na inaalok para maging kapalit ni Kris pero tumanggi raw itong tanggapin ang project.

Ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang producer ng “(K)Ampon” kaya hiningan namin ito ng reaksyon tungkol sa isyung nasagap namin.

Ayon kay Atty. Joji, “Everything is still up in the air. We’re still fixing­ our casting because of conflict in their schedules. We will finalize by Monday.”

Ah, okey. Medyo napaisip lang kami du’n sa ‘conflict in their schedules’ dahil ang alam namin ay wala namang ginagawa si Kris.
Busy pala siya?!

PAK!!
***
Nagulat nang slight sina Bianca Umali at Migo Adecer nang sabihin naming malakas ang sexual chemistry nila sa Kapuso epicseryeng “Sahaya”.

Agree naman si Migo na may nakitang something ang viewers doon sa rain scene nila ni Bianca na pareho silang nabasa sa ulan at lumabas ‘yung ­chemistry at sex appeal nilang dalawa.

Sey ni Migo, wala silang intensyon na ganu’n dahil dapat ay paawa effect lang siya sa eksenang ‘yon, pero maging sila ay nagulat sa nagmumurang chemistry nila.

Doon daw talaga na-establish ang tandem nila na JorSah (Jordan + Sahaya). Napansin na sila ng viewers at ang dami nang nagru-root sa tambalan nila at sila ang gustong magkatuluyan sa halip na sina Sahaya at Ahmad (Miguel Tanfelix).

Natawa kami sa hirit ni Migo na para raw ‘porno’ ang dating nu’ng rain scene na ‘yon, na lagyan lang daw ito ng porn music sa background ay magmumukha itong weird, kaya natawa raw talaga siya.

Sey naman ni Bianca, marami ngang nagsabi ng gano’n, pero nagulat daw sila pareho na iba ‘yung impact nu’n sa mga tao dahil ang totoo ay hindi raw sila nagkikita o nag-uusap ni Migo off-cam.

As in nagkikita lang daw sila on set ‘pag magba-block na sila ng eksena. Meron daw kasi silang sarili nilang mga mundo at lately lang sila nag-bonding nu’ng tumagal na ‘yung show at lagi na silang nagkakaeksena.

Nu’ng simula ay wala raw silang communication at all. Nang kunan ‘yung rain scene ay hindi pa raw sila close nu’n, so hindi nila akalaing merong lalabas na ganu’n naturally na hindi nila pinilit.

Ani Bianca, normal lang na may magreak na BiGuel fans, pero open daw kasi siya na makapareha ang kahit na sino, unexpected lang daw na matutuwa nang ganu’n ang mga tao sa JorSah tandem nila ni Migo.

Aminado si Migo na ito ang best role niya so far at ngayon lang siya napansin ng mga tao dahil dati ay pang-sidelines lang siya.

Jordan na raw siya kung tawagin ng mga nagpapapiktyur sa kanya, so talagang natutuwa at thankful siya sa nagawa sa kanya ng “Sahaya.”
***

Rere matsutsugi sa ‘Starstruck’?

Sindakan at takutan ang artista challenge this weekend sa “StarStruck.”
Nakakatakot ang mga eksena ng remaining hopefuls sa suspense-thriller short film kasama si Gabby Eigenmann.

Last week ay tinawag na backstabber at plastik ng kanyang fellow female contestants si Rere Madrid, pero ligtas siya sa tanggalan.

Si Rere na kaya ang matsutsugi ngayong gabi o isang lalaki ang magpapaalam?