Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek tinangging pinagpasahan ang engagement ring kay Ellen

0 494

Tinatawanan lang ni Derek Ramsay ang tsismis na pinagpasahan na raw ng mga ex-girlfriend niya ang engagement ring na binigay niya kay Ellen Adarna.

“There’s tsismis na pinagpasahan daw ‘to ng mga exes ko which is so funny,” ani Derek sa latest interview nila ni Ellen with G3 San Diego.

At ikinuwento nga ng aktor ang story behind the diamond ring.

“My mom was going to give me a 7.8-karat diamond ring to give to Ellen. I was like, ‘Mom, I can’t take that from you,’ and like, parang a 7 carat diamond is just way too big, I think for an engagement ring,” kuwento ni Derek.

“Sabi ko, ‘no, I want to purchase this one, this diamond. So I learned a lot about diamonds,” dagdag pa niya.

Kuwento pa niya, talagang pinasadya niya ang ring which means hindi nga ito pinaglumaan ng kanyang mga ex. Sobrang na-stress pa nga raw siya dahil dumating lang daw ang ring noong araw mismo ng kanyang proposal.

“I cancelled everything, I was just going to throw a surprise birthday party for Ellen, and the night before, like late, mga 9 o’clock, the ring was going to arrive. So, it actually was in my hand the day of the proposal,” lahad pa niya.

Pero nang makita raw niya ang singsing, natuwa naman daw siya dahil nasunod ang gusto niyang mangyari.

“It was perfect. It was how I imagined it,” aniya.

“When I saw it, it was just really beautiful. I wanted the stone to speak for itself,” sabi pa ng aktor.

Itinanggi rin ni Derek na ex-deal ang engagement ring. “There’s no ex-deal here, nothing of a sort. My God, ang cheap naman pag ganon,” aniya.

When asked kung fully paid ang ring, sagot ni Derek, “yeah, of course.”

He added, “this is me getting married, this is me proposing. Hindi ko nga tinanggap ‘yong 7.8-karat from my mom.”

Marami ang humuhula na sa laki ng diamonds, nasa 6-8 carats ito pero ayaw nang i-reveal pa ni Derek kung ilang carats ito at kung magkano.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sharon aning na sa pandemya

Aminado si Sharon Cuneta na sobrang naaapektuhan na siya ng pandemic at hindi raw niya talaga inakala na tatagal ito nang ganito. Ang dami na raw niyang nami-miss at hindi nagagawa.

“I haven’t seen my Mama Helen (Gamboa, her aunt) and my Sotto family in a year or almost a year, no, more than a year. Baka lumaki na ang mga pamangkin, hindi ko pa makita,” she said in her recent Instagram Live.

Aniya pa, “affect na affect ako nitong COVID na ‘to. Nakakaano na, ‘yong nagiging ano na ko, restless. Gusto ko nang gumalaw, gusto ko nang lumipad.

“Happiness ko na nga lang ‘yong taping, susmaryosep na-delay pa.”

Ang tinutukoy niya ay ang taping ng Your Face Sounds Familiar na natigil pansamantala because of the ECQ (enhanced community quarantine).

Dagdag pa niya, “sana, makatulong ang ECQ sa pagbaba ng number ng cases dito sa Pilipinas kasi Diyos ko, pag naman hindi pa, hindi ko na alam.”

Gustong-gusto na raw niya ulit mag-travel sa ibang bansa dahil ito raw ang kanyang de-stresser.

“I’m just so restless already. Iba ‘yung nakakulong ka talaga nang matagal. Kaya ko naman ‘to nang mahabaan pero hindi ko naman akalain na aabutin ng lampas sa isang taon na hindi natin alam kung kailan matatapos.

“Kasi after ECQ, hindi pa naman nawawala ‘yong COVID, so sana lang, ‘di ba, sana lang umalis na siya,” saad pa niya.

Nagbigay rin ng update si Megastar tungkol sa stylist friend niyang si Fanny Serrano na matatandaang nagkaroon ng massive stroke nitong nakaraang Marso.

“You know, miracles still do happen because TF, ngayon po ay nakaka-grip na raw siya ng lightly ng kamay ng doktor. And we’re praying na matuloy na ‘yong physical therapy niya,” pagbabalita ni Shawie.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng nagdasal para sa kaibigan and she’s praying na tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kundisyon nito.

“I just want us to pray for his full recovery but God really still makes miracles happen, so praise God talaga,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.