Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek tinulak sa pool ang anak

0 383

Viral ang na-upload na video ni Derek Ramsay kung saan nagpapambuno sila ng kanyang anak na si Austin.

For a while, akala ng maraming netizen ay nagkakapersonalan ang mag-ama.

Makikitang nagsusukatan sila ng lakas at nagtutulakan sila patungo sa swimming pool hanggang gumulong sila sa lupa.
Maririnig naman si Ellen Adarna na tumitili na siya palang kumukuha ng video.

Sa simula, nanaig ang lakas ng kabataan ni Austin subalit sa huli ay naigupo siya ng ama.

Sa online post na ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram account, may caption itong “Father VS Son” at sa huli ay binanggit din nito ang “boys will be boys.”

Sa huli, pinagtulungan si Austin ng kanyang mga tiyuhin at ng mga kaibigan ng actor para maitapon sa pool.
Marami naman ang naaliw sa father and son bonding ng mag-amang Derek at Austin.

Masaya sila dahil nagkakasundo na ang dalawa pagkatapos ng kanilang hindi pagkakaunawaan noon.

May ilang namang nag-aampalaya na nagsabing nagpapakita lang daw ang kanilang wrestling kung gaano ka-immature umano ang fiancé ni Ellen. Sa tingin nila ay isip-bata at hindi pa nag-grow ang disposisyon bilang magulang.

Para raw kasing wala sa lugar ang harutan nila, lalo pa’t hindi maiaalis na meron itong pisikalan.

Pero sa totoo lang, ‘wag nang intrigahin ang bonding ng mag-ama,no?!

Andrea bumuwelta sa hiwalayan blues kay Derek

Nang sabihin ni Derek Ramsay na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres sa isang panayam at ang breakup nila ay nangyari through phone, marami ang nag-speculate na reresbak talaga ang ex niyang Kapuso actress.

Sa isa ring interview kasi, nasabi ng actor na wala siyang regrets sa nangyaring hiwalayan nila ni Andrea.

Hirit pa ng hunk actor, na-in love raw siya kay Ellen Adarna dahil sa pagiging natural nito. Walang kiyeme na para sa ilang kibitzers ay sampal sa pagkatao ng kanyang ex.

Pagkatapos ng matagal na pananahimik, binasag naman ni Andrea ang katahimikan sa kanyang bersyon ng hiwalayan blues nila ni Derek.

“I honestly have a different memory of what transpired and who ended it but I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ kind of thing,” sey ni Andrea.

Dagdag pa niya, hindi na rin daw mahalaga na malaman pa ng publiko ang real score.

” I don’t see the significance of discussing details in public,”paliwanag niya.

Paliwanag pa ng isa sa mga bida ng Legal Wives, naka-move on na rin daw siya sa naging kabanata ni Derek sa kanyang buhay kaya hindi na dapat pang pag-usapan ito.

Angel na-trauma sa paayuda

Iba ang inaasahang sagot ng ilang netizens sa pang-uurirat ng Kapamilya broadcaster na si Alvin Elchico kay Angel Locsin kaugnay sa kontrobersya sa ipinatayo nitong community pantry noong kanyang kaarawan.

Nasabi kasi ng aktres na hindi na siya uulit at wala na siyang balak mag-organisa uli ng community pantry pagkatapos mabahiran ng trahedya ang kanyang paayuda.

Hirit ng mga netizen, na-trauma raw ba si Darna kaya nadala na ito.

Pinanghinaan daw ba ng loob ang pilantropong aktres na kinabibiliban sa kanyang katapangan kaya umurong na ito sa kanyang paayuda.

Sey naman ng iba, sana raw hindi magsawa ang aktres na ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto dahil marami rin ang natutulungan nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.