Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek umalma sa pambabastos kay Andrea

0 235

NI: VINIA VIVAR

Sinagot ni Derek Ramsay ang isang basher na nag-comment ng hindi maganda sa kanyang IG page tungkol sa ex-girlfriend niyang si Andrea Torres.

Nag-post si Derek ng larawan niya with some friends sa birthday salubong niya last Sunday. Sa photo ay makikitang naka-topless ang aktor at naka-expose ang abs.

Isang follower ang nag-comment na dahil sa katawan ni Derek kaya maloka-loka si Andrea sa kanya.

“Sherep sherep. Kaya nabaliw si @andreaetorres eh. Maloka loka siguro sa katawan mo kaya lang obvious na di mo siya niligawan at sya lang ang naghahabol. Nawalan ka na siguro ng challenge. Hahaha,” komento ng netizen.

Hindi ito pinalampas ni Derek at ipinagtanggol ang ex-gf.

“No man. Andrea is a decent woman,” pagtatanggol ni Derek kay Andrea.

Ang iba namang AnDrek fans ay nalungkot dahil last year lang ay magkasama pa raw sina Andrea at Derek sa birthday ng aktor at binigyan pa siya ng birthday surprise ng GF. Wish nila na sana raw ay magkaayos pa ang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.