Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Derek walang bawian kay Ellen

0 469

Sa home edition ng Cinema News, nakapanayam sina Ellen Adarna at Derek Ramsay tungkol sa kanilang relasyon.

Sinabi ni Ellen na hindi raw makapaniwala ang kanyang inang si Miriam Go nang malamang engaged na siya kay Derek.

Nasabi raw kasi niya noon sa ina na wala siyang balak patali kaninuman.

Gayunpaman, nabago raw ang lahat ng dumating sa buhay niya si Derek.

“I know she’s really happy because I’m always talking to her and telling her na ‘wag na kayong umasa na magpakasal ako,’ kasi I really don’t want to get married and if ever na magpakasal ako, hindi niyo na malalaman. Uuwi na lang ako with the husband,” sey ni Ellen.

Sa naturang interview, inamin naman ni Derek na nakausap niya ang mommy ng fiancee at binalaan daw siya nito tungkol kay Ellen.

“Sabi niya ‘Sure ka? No return, no exchange ha,’” iyan raw ang mensahe ng ina ni Ellen kay Derek.

Matatandaang sa isang Q and A with her followers, natanong si Ellen kung kaya ba niyang tanggapin at patawarin ang hunk actor kung sakaling lokohin siya nito.

Ani Ellen, kung mangyayari raw iyon, hindi niya mapapatawad ang actor.

Singit naman ni Derek, never daw niyang gagawin iyon sa Cebuana sexy actress.

Ryan sinita sa face shield

Isa si Ryan Bang sa mga bumati kay Vice Ganda sa episode ng It’s Showtime kung saan inalala nila ang birthday ng komedyante.

Touched naman si Vice sa greetings sa kanya ng kanyang co-hosts.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ryan na napakalaki ng utang na loob kay Meme Vice dahil ito ang itinuring niyang pamilya sa Pilipinas.

Ito raw ang madalas na takbuhan niya kapag may problema at mega generous din daw ito dahil minsan ay nagpapadala pa raw ito ng pagkain sa kanya.

Marami rin daw siyang mga natutunan kay Vice para mag-survive siya ng ilang taon sa bansa.

Katunayan, nang lumaganap ang Covid-19 at sumailalim ang maraming bahagi ng kapuluan sa lockdown, natakot daw talaga siya dahil nag-iisa lang siya sa bansa.

Isa raw ang unkabogable star ang nagpalakas ng loob niya.

Sa nasabing show, pabirong sinabi naman ni Vice na tinawagan daw siya ni Maám Cory Vidanes dahil nasita raw si Ryan ng guard dahil sa hindi tamang pagsusuot ng face shield nito.

Mula kasi ng magka-pandemya at i-resume ang kanilang taping, si Vice na ang tumayong bangka o spokesman para sa kanilang grupo.

Sa kanya namang vlog, inamin ni Ryan na handa umano siyang i-give up ang lahat ng meron siya pati na ang negosyong naipundar niya sa Pinas para magkabalikan lang ang kanyang mga magulang.

Parehas din umanong single ang kanyang mga magulang kaya umaasa pa siyang muli silang mabubuo.

Dagdag pa niya, kapag umuuwi umano siya sa Korea, ang kanyang hinihiling ay makasalo ang kanyang Mommy at Daddy kahit sa pananghalian lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.