Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DeRozan, Aldridge gagapang vs Lakers

0 310

KONTRA Lakers, kulang ang star power ng San Antonio.

Sa season ay 0-3 ang Spurs sa Lakers, walang nagawa sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge nang ilampaso nina LeBron James at Anthony Davis.

Nasa NBA restart sa Orlando rin ang San Antonio, umaasang mahahabol ang eighth spot sa West para hindi maputol ang 22-year playoff run.

Problema lang, kapag No. 8 sila ay matatapat muli sa Lakers sa first round.

Ang schedule ng San Antonio sa reboot: Kings, Grizzlies, 76ers, Nuggets, Jazz, Pelicans, Rockets at Utah.

Isa pang malaking problema ni coach Gregg Popovich ay ang season-ending surgery kay Aldridge (shoulder) noong June.

Kay Jakob Poeltl ipapatao ni Popovich ang gitna laban kina JaVale McGee at Dwight Howard. Muli ring pipigain si Rudy Gay sa stretch-4, kasama ni Trey Lyles na ipantatapat kina LeBron at Davis.

Maliban kay DeRozan, isasagupa ng Spurs sina Patty Mills at Dejounte Murray, at aasang makakapag-deliver sina Derrick White, Bryn Forbes at Lonnie Walker. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.