Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DeRozan, Bulls pinukpok Knicks

0 40

Sinalag nina DeMar DeRozan at Zach LaVine ang late rally ng New York para ipreserba ang 109-103 panalo ng Bulls sa 76th NBA regular season game nitong Linggo sa United Center sa Chicago.

Nagtistis si DeRozan ng 31 points, umayuda ng 21 si LaVine. May pinagsamang 12 rebounds at 9 assists pa ang dalawa para umangat sa 12-5 ang Bulls, inakbayan ang Brooklyn sa tuktok ng Eastern Conference.

Hindi naagaw ng Knicks ang panalo sa kabila ng 34 points at 10 rebounds ni Julius Randle na 13 of 18 mula sa floor para sumalampak sa 9-8.

Inumpisahan ng Bulls ang fourth quarter sa back-to-back 3s nina Coby White at Derrick Jones para agawin ang manibela 78-74.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa pang tres ni White ang nagbigay sa Chicago ng 91-84 lead na inalagaan nang sagutin nina DeRozan at LaVine ang bawat tangkang lapit ng Knicks.

Overall ay 11 for 29 sa labas ng arc ang Bulls.

“We made some 3s because of those guys passing the ball and getting to the middle of the floor and the guys making the next pass,” wika ni Chicago coach Billy Donovan. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.