Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DeRozan, Bulls sinuwag Pistons

0 221

Bumomba si DeMar DeRozan ng 21 points, sinegundahan ng 15 points at 15 rebounds ni Nikola Vucevic, at sinuwag ng Bulls ang Detroit 97-82 Sabado ng gabi sa Chicago.

Nakuha ng Bulls ang unang 3-0 start sapul noong 2016 sa kabila ng mabagal na umipisa ni Zach LaVine. May sahog pang 6 assists si DeRozan, naglista ng 3 blocks si Vucevic.

Sa third quarter, nayanig ang United Center nang tapusin ni DeRozan ang dakdak kahit tinamaan sa mukha ni Pistons forward Hamidou Diallo.

Sa kalagitnaan ng second quarter na nahulog sa net ang unang basket ni LaVine, tumapos ng 14 points mula 6 of 18 shooting.

“We knew offense is going to take a little time, but I’d rather it be this way now,” ani DeRozan na 7 of 18 sa field at 7 of 9 sa free throws. “We can continue to build defensively while the offense comes around.”

Naka-7 steals ang Chicago sa second period pero 54-43 lang ang bentahe sa break dahiil sa 18 of 45 field goals.

Ang 20 points, 16 rebounds ni Saddiq Bey ang namuno sa Detroit, tinuhog ang first 9 points ng laro pero madaling naigapos. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.