Abante Tonite Interactive

DeRozan, Spurs sinagpang ang Wolves

By
355

Nang mai-trade sa San Antonio noong July, halatang ayaw ni DeMar DeRozan.

Pero nang mag-debut sa Spurs, trabaho pa rin siya na parang walang nangyari.

Si Jimmy Butler, humihingi ng trade pero hindi pa napagbibigyan. Bigay-todo din ang laro niya sa Minnesota.

Umiskor si DeRozan ng 28 sa unang laro sa Spurs, nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 21 points at 19 rebounds, at naligtasan ng San Antonio ang 23-point performance ni Butler sa 112-108 panalo kontra Timberwolves Miyerkoles ng gabi.

“It was an extremely long summer for me, extremely long summer,” ani DeRozan.

Nakuha ng Spurs si DeRozan mula Toronto kapalit ng nagpa-trade na si Kawhi Leonard at ni Danny Green. Kasamang lumipat ni DeRozan si Jakob Poeltl.

“I’ve got 81 games, baby, that’s all that matters,” sagot ni Butler nang matanong kung inaasahan niyang magtatagal pa siya sa Minnesota.

Ibinaon ni DeRozan ang pabandang game-winning shot sa harap ni Butler, inatake ang 6-foot-8 forward bago umangat 12 feet mula sa basket para ibigay sa San Antonio ang 110-108 lead 32.4 seconds pa.

Sinelyuhan ni DeRozan ang panalo sa dalawang free throws 7.8 ticks na lang matapos sumablay ang runner ni Derrick Rose sa kabila.

Sa debut ni DeRozan, natapos na ang Big 3 era sa San Antonio. Lumipat sa Charlotte si Tony Parker nitong offseason, nag-retire na sina Tim Duncan at Manu Ginobili.