Abante Tonite Interactive

Derrick, kinarir ang PAGTSUTSUPER

8

SA bagong adventure ni Derrick bilang TSUPERHERO, marami siyang kaila­ngang matutunan sa buhay-kalye kaya sumailalim siya sa immersion.

Sinubukan niyang magmaneho ng manual na jeep at umastang tsuper.

Hindi inakala ni Direk LA ­Madridejos na malalampasan ni Derrick ang kanyang expectations.

Kinarir ni Derrick ang pagi­ging tsuper.

Inaabot niya ang mga pamasahe ng mga pasahero at dahil manual ang minamaneho, may isang beses na namatayan ­sila ng makina.

“Mahirap pala ta­laga ang maging tsuper nu’ng ma-experience ko, kaya dahil dito saludo na ako sa mga jeepney drivers,” sey ni Derrick.