Abante Tonite Interactive

Desiderio gusto sa Ginebra

By
0 792

Ang isa sa may pinakamalaking puso sa UAAP ay nais maglaro para sa ‘Never Say Die’ team ng PBA.

Sa Twitter post ng kilalang local basketball insider na si dbuzzketball, naikuwento nito kung ano’ng naging pag-uusap nila ni UP team captain Paul Desiderio.

Nang maitanong sa graduating guard kung saan niya gusto maglaro, ito ang kanyang naging tugon.
“Sana (Ginebra) boss,” tipid nitong tugon.

Tipong may tsansa pa namang matupad ang asam ni Desiderio na makahabol sa 2018 PBA Draft makaraang mag-anunsiyo ang tanggapan ng PBA na gagawin ang okasyon sa Disyembre 10 sa halip ang naunang petsang Disyembre 5, na siyang araw ng bakbakan sa Game 2 ng UP at Ateneo sa Miyerkoles. Nahablot ng Blue Eagles ang Game 1, 88-79.