Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Desiderio tatay na

0 219

Super cute ang bagong silang na baby boy nina PBA veteran Paul Desiderio ng Blackwater at former University Athletic Association of the Philippines courtside reporter Agatha Uvero.

Sa Twitter post ni Uvero Huwebes, ipinakita niya ang ilang imahe ni Juan Andres U. Desiderio na ipinanganak niya nitong Martes, April 27.

Bumati naman sa parehas na post ni Uvero sa Instagram sina incoming Bossing teammate Jun Kent Manzo III, PBA star Allein Gail Maliks ng Meralco, at national player Juan Gerardo Gomez de Liano.

Huling dumribol si Desiderio, 24, sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Clark bubble. Pero hindi niya ito natapos sanhi ng injury. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.