Abante Tonite Interactive

Desiderio, Uvero nagtampisaw sa waterfalls

438

Nagtampisaw ang magkasintahang sina Philippine Basketball Association player Paul Desiderio at maalindog na dating ABS-CBN Sports-80th University Athletic Association of the Philippines courtside reporter Agatha Uvero sa isang waterfalls.

Mismong ang magandang dating University of the Philippines-Dili-man journalism student ang nag-post ng kanilang litrato sa kanyang Twitter account na @jeanagatha

na may caption pang “Hi” @pauldesiderio18.

Tinugon naman siya ng dating college schoolmate na incoming Blackwater sophomore sa @jeanagatha na, “Hello beautiful! I’m waterfall-ing for you!”
Maraming natizen ang nag-reaksiyon na karamiha’y naghihinalang nagkabalikan na ang dating magdyowa na super lagkit ang sa mga tagpo sa waterfalls.

“Halaaaaa siz oh bati na sila hahahahaha,” anang isang @jianlaureen.

“Ahahay, “ hirit ni @nat_balanza.