Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Desoyo, Baste bumira

0 82

STANDING

TEAM W L

Letran 5 0

San Beda 5 0

Mapua 5 2

St. Benilde 4 3

E. Aguinaldo 3 3

San Sebastian 3 4

Perpetual 2 4

SM food to go Banner Ad

Arellano 2 4

Lyceum 1 5

Jose Rizal 1 6

Mga laro ngayong Miyerkoles (LSGH-CSB Gym)

12:00 nn. – Perpetual Altas vs San Beda Red Lions

3:00 p.m. – Aguinaldo Generals vs Letran Knights

Ibinaon ni Alex Desoyo ang isang corner jumper upang bigyan ang San Sebastian-Recoletos Golden Stags ng pangselyong panalo kontra naghihingalong Jose Rizal Heavy Bombers, 70-64, sa 97th National Collegiate Athletic Association 2022 senior’s basketball tournament elims sa La Salle Greenhills-College of St. Beinlde Gym sa Mandaluyong Martes ng hapon.

Tangan ang 68-64 lead sa mahigit isang minuto na lang, sinalpak ng Baste guard ang tirada mula sa pasa ni Ken Villapando, kasunod sa sablay ng Bombers upang makuha ang solo 6th place sa 3-4win-loss na kartada.

Pero nanguna sa atake ng Quiapo-based squad si JM Calma na may 26 points, 11 rebounds, naka-13 markers si Rommel Calahat at umiskor ng 10 si Desoyo sa pagsalya sa JRU sa pang-10 o kulelat sa 1-6. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.