Abante Tonite Interactive

‘Despacito’, may 4 billion views sa YouTube

18

Sikat na sikat talaga ang ‘Despacito’ na uma­bot na sa apat na bilyong views sa YouTube at tila hindi pa rin mapipigil ang pagsikat ng music video ni Luis Fonsi ang Daddy Yankee.

Ito ang una sa kasaysayan ng music video na umabot sa four billion na tumalo kina Wiz Khaliga and Charlie Puths ‘See You Again’ na namayagpag ng halos isang taon at itinanghal na most viewed vide­o of all time.

Noong Agosto lamang ay tatlong bilyo­n agad ang views ng colorful at sexy vide­o ng Despacito na sa kasalukuyan ay isa sa longest-running No. 1 hits katulad ng kina Maria­h Carey and Boyz II Men’s ‘One Sweet Day.’

Namayagpag nang husto ang ori­ginal ­version ng kanta kung saan kasama sa ­nag-collaborate ang sikat na Canadian popstar na si Justin Bieber na siyang nagdesisyon noon na i-release ang Spanish version nito kaysa sa English version. Hindi malayong umabot pa sa 5 bilyon ang views ang Despacito na ang ibig sabihin ay ‘Slowly’ sa Ingles.