Abante Tonite Interactive

Despedida de Soltera ni Jennifer sa gay bar inisnab

541

Ibinahagi ni Adele sa kanilang mga tagahanga ang ginawa nilang gimik sa isang sikat na gay bar sa New York City . May kaugnayan ito sa nalalapit na pagpapa-kasal ni Jennifer Lawrence kay Cooke Maroney.

Tiyak ikakatuwa ni Jennifer ang ginagawang pagpaplano ni Adele ng isang mas malaking Despedida de Soltera para sa kanyang kaibigan. Nagreklamo at nabigo umano si Jennifer na walang dumalo sa kanyang naunang event sa gay bar.

Nais ni Adele na mapasaya si Jennifer kaya nagsimula na siyang magpadala ng mga imbitasyon sa magaganap na selebrasyon.

“It’s all top secret at the moment but guests have slowly been receiving their invitations and it’s looking like it will be a wild affair,” pahayag ni Adele.

“I thought I didn’t want to have a bachelorette party, then last minute I decided I did,’’ pag-amin naman ni Jennifer.

“Then nobody was available because it was last minute.”
“And then I started crying. I was like, ‘I don’t even know why I’m crying.’

I didn’t know that I wanted a bachelorette party. I guess I just feel pathetic.’It’s all top secret at the moment but guests have slowly been receiving their invitations and it’s looking like it will be a wild affair,” halatang nadismayang pahayag ni Jennifer. (Lourdes Fabian)