Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Devance, Cone solid sa 11 taon

0 402

Hindi puro tawanan at kilitian ang higit isang dekada nang samahan nina coach Tim Cone at Joe Devance.

“A lot of people see me and coach Tim having a great relationship, stuff that they see on TV,” ani JDV sa PBA Kamustahan podcast kamakalawa. “But it took us 11 years of being together, of me being cussed out, like him being on me every day, him pushing me to the max. that’s why we are where we are today.”

Nagsimula rin sa pakiramdaman ang relasyon ng dalawa.

No. 1 pick ng Welcoat noong 2007 si Devance, sumunod na season ay napunta siya sa Alaska kapalit ni Sol Mercado. Doon na nagsimula ang kanilang samahan na habang tumatagal, lalong tumitibay ‘ika nga.

“That’s when me and coach Tim built a relationship forged with blood, sweat and tears,” dagdag ng 38-anyos na Fil-Am buhat sa Honolulu.

Lumipat si Cone sa Purefoods (San Mig Coffee) noong 2011, bitbit niya si JDV. Pagkatapos ng grand slam nila sa San Mig noong 2014, tumawid si Cone sa Ginebra at tangay-tangay pa rin ang kanyang maaasahang forward.

May pito ng championship ang tandem ng dalawa.

Injured si Devance bago natapos ang nakaraang PBA season, tinapik pa rin siya ni Cone para maging assistant coach sa Gilas Pilipinas na nag-gold sa 2019 SEA Games.

Utang ni Devance ang narating niya sa pros kay Cone.

“If it wasn’t for him, I wouldn’t have the wonderful career that I’ve have had,” panapos ng 6-foot-7 big man. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.