Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Devance pasaway, Kume may warning

0 193

NAGKUMPULAN sa labas ng Smart 5G-powered AUF Arena sa Angeles City ang grupo ng Ginebra fans, hinihintay ang paglabas ng paboritong team pagkatapos ng 105-91 win ng Gins sa Meralco.

Linggo ng gabi ‘yun, pero ilang araw ang nakalipas bago pinost ni Joe Devance sa kanyang vlog.

Kita ang 38-year-old veteran forward na kumakaway sa fans.

SM food to go Banner Ad

Ilang metro din ang distansiya ni JDV, pero inalis ang mask at nagsalita sa crowd. Sandali lang ‘yun, agad din niyang ibinalik bago sumampa sa team bus pabalik ng Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Economic Zone.

Nakita ni commissioner Willie Marcial ang vlog.

Hindi raw kakastiguhin ni Kume si Devance pero pagsasabihang maging mas maingat sa susunod.

“Huwag niya na lang tanggalin sana ‘yung mask. Maintindihan naman siya ng mga fans,” komento ni Marcial, ayon sa Spin.ph. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.