Abante Tonite Interactive

Devance ‘tinipid’ ng Ginebra

1,051

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang pumirma ng tipid na one-year contract sa Ginebra si Joe Devance.

Susuklian ni Devance ang tiwalang binigay sa kanya, bibiyahe ang veteran forward sa Germany para ipagamot ang nananakit na tuhod at paa.

Ilang season nang binabagabag ng nananakit na paa ang 38-anyos na forward.
Sasailalim raw siya sa stem cell procedure, subok nang lunas para maibalik ang dating tibay ng mga buto at muscles.

Walang Greg Slaughter ang Gin Kings, kakaila­nganin ni Tim Cone si Devance para bantayan ang frontcourt kasama nina Japeth Aguilar, Prince Caperal, Raymond Aguilar at Arth Dela Cruz.

Aabutin din ng tatlong linggo hanggang isang buwan bago makarekober sa procedure.

Inaasahang makakalaro si Devance sa unang bahagi ng elimination round ng Philippine Cup na magpapasimula sa 45th season ng PBA sa March 8. (VE)