Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dexter tumangging maging dyowa ng tibo

0 119

NI:ARCHIE LIAO

Nang i-offer ni Direk Jay Altarejos kay Dexter Doria ang role na Donya Fuming sa proyektong Memories of a Love Story, hindi raw niya matanggihan ang nasabing papel.

For one, matagal na raw kasi niyang na-miss ang gumanap sa ganoong klaseng aristokratang role.

Dagdag pa niya, sino raw ba naman siya para tanggihan ang direktor na nagbigay sa kanya ng grand slam bilang best supporting actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Memories of Forgetting.

Ani Dexter, nakaka-relate raw siya sa tema ng pelikula dahil marami na rin siyang minahal na lalake sa buhay niya.
Gayunpaman, siya raw iyong tipong hindi na nagde-dwell sa past o sa mga alaala ng kanyang ex lalo na’t kung may bago na siyang karelasyon.

Sa tanong naman kung ano ang magiging reaksyon niya kung ang best friend niyang kabaro ay magka-come out at magpro-profess ng pag-ibig sa kanya?

SM food to go Banner Ad

Aniya, nangyari na raw talaga ito sa totoong buhay.

May best friend daw siyang bisexual na nagpahayag ng pagsinta sa kanya na tinanggihan daw niya.

Not that she’s against bisexual or lesbian, it’s just that hindi raw niya trip ang ganoong klase ng relasyon.

Aniya, bagamat nagkaroon daw ng lamat ang kanilang pagkakaibigan bati na raw naman sila ng tinutukoy niyang girl although hindi na sila close.

Tampok sa Memories of a Love Story ang tambalang Oliver Aquino at Migs Almendras na unang nakilala sa BL movie na Unlocked.

Leave A Reply

Your email address will not be published.