Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA: 127 marino pa stranded

0 132

Nasa 127 Filipino marino ang nakatengga sa mga barko sa abroad at naghihintay ng repatriation, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“Gumawa kami ng validation report, so far sa report ng ating mga embahada at konsulada, meron pa tayong natitira na 127 seafarers, eto ang talagang nare-record na merong kailangang repatriation na gawin,” wika ni DFA Undersecretary Brigido Dulay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpadala na umano ng sulat ang DFA sa mga embahada ng ibang bansa para tulungan ang mga Filipino seafarer. Aminado rin ang opisyal na nahihirapan sila sa repatriation dahil sarado pa ang border ng ilang bansa at may limitadong flight sa Pilipinas.

Sa ngayon ay 61,716 Filipino seafarer na umano ang naiuwi ng DFA. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.